"Ang kabataaan na Pag-asa ng bayan".Ito ay isang pamilyar na linya para sa ating lahat ng mga Pilipino dahil ito ay nagmula sa ating Pambansang Bayani na si Dr.Jose Protacio Mercado Alonzo Y. Realonda Rizal,ngunit parang hindi na ito ang nangyayari sa halip ay "Ang kabataan ang magbabago ng bayan".
Ang mga Pagbabago naman ay magiging mabuti para sa lahat kung gagamitin ito ng Tama at nasa Lugar.
Lumipas na ang maraming taon at tuluyan na nagbago ang mundo pati narin ang mga tao.Mapapansin naman natin na malaki ang pinagbago ng mga kabataan ngayon dahil sa malaking kontribusyon ng Teknolohiya sa ating kultura.
Ang mga pagbabago ay maaring makabuti o makasama sa isang bata.
Pagiging adik o maghapong nakababad sa Computer ito ay nakakasama dahil sa maaring lumabo ang iyong mga mata.
Sa araw-araw na ating buhay na ginawa Diyos ang mga kabataan ngayon ay lagi na nilang karamay ang Teknolohiya isa narito ang mga Social Networking ito ang nagiging pampalipas oras nila, at ang nagbibigay ng kaunting kasiyahan sa bawat araw na lumipas sa buhay nila.
Ang mga Social Media katulad ng Facebook,Twitter,Instagram,Yahoo at Google ay nakakatulong sa atin upang magkakaroon tayo ng komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay sa ibang lugar at nagkakaroon rin sila ng maraming kaibigan sa pamamagitan nito.Nakakatulong rin ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng mabilis na paghahanap ng kanilang Takdang Aralin.
Sa kabila ng mga magagandang naibibigay ng mga Social Networking sa mga tumatangkilik na mga kabataan ay may mga bagay pa rin na nakakasama sa sobrang pagtangkilik nila rito, isa na rito ang pagiging tamad ng mga kabataan na gumawa ng kanilang Takdang Aralin sa halip sila'y mag hanap sa libro,mas gusto pa nilang mag hanap sa Internet dahil sa isang click mo lang ay mahahanap mo na ang iyong gustong hanapin (Copy-Paste)
Cyber Bullying ito ay pang-aapi sa isang tao sa pamamagitan ng electronic devices katulad ng email, instant messaging, text, blogs, websites, tweets, status messages, video chats.Ginagamit nila ito upang siraan ang isang tao o pagbabanta na gagamitin nila ang iyong pangalan o identity.
Natuto silang mag "Multi-tasking" ginagawa ni ito sa pamamagitan ng habang sila ay gumagawa ng kanilang Takdang aralin sila rin ay nagfa-Facebook.
Kung magpapatuloy ang mga pagbabagong ito ay maari itong makaapekto sa hinaharap.Sa kabila ng pagtangkilik natin sa mga Social Media ay magkaroon pa rin tayo ng kontrol sa paggamit nito.Sa lahat ng mga pagbabago na nangyayari ngayon sana wag nating kalimutan ang kaugaliang kinagisnan natin katulad ng paggalang sa kapwa,pag gamit ng po at opo at pag mamano.Ilagay natin ito sa puso,isip,salita at gawa.
--Kimberly Anne S.Santos--
9-Austria